Bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

35

Nakapagtala ngayon ang lungsod ng Maynila ng 197 na karagdagang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 59, 544 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa buong lungsod.


Nasa 1,161 naman ang kabuuang bilang ng nasawi.

Habang nadagdagan ng 129 ang mga bagong kaso dahilan para pumalo ito sa kabuuang 62,299 pero nasa 1,594 na lamang ang aktibong kaso.

Ang Sampaloc District ang nangunguna sa mga lugar sa Maynila na may mataas ang bilang na nasa 368; sinundan ng Tondo District 1 na may 252; Malate, 159 at Tondo Distirct 2 na may 155 COVID-19 cases.

Facebook Comments