Bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19, halos 1.3 million na

Umaabot na sa 1,298,442 ang bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19.

Ito ay matapos na makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,139 recoveries.

Ang bagong kaso naman ay 4,353 habang ang bagong binawian ng buhay ay 119.


Sa ngayon, ang total COVID-19 cases na sa bansa ay 1,372,232.

Ang aktibong kaso ay bahagyang bumaba sa 49,862.

Ang kabuuang bilang naman ng mga namatay ay 23,928.

Facebook Comments