Bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19, mahigit 294,000 na

51

Umaabot na sa 294,161 ang bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19.

Ito ay matapos na 385 ang panibagong gumaling sa virus.

2,261 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases na sa bansa ay 348,698.

Sa nasabing bilang ang active cases ay 48,040.

50 naman ang bagong binawian kaya ang total deaths na ay 6,497.

Samantala, 24 na mga Pilipino sa abroad ang bagong na-infect virus.

Bunga nito, ang total cases na sa mga Pinoy mula sa 81 na mga bansa ay 11,141.




Ang active cases naman ay 3,155.

3 namang Pinoy ang panibagong gumaling sa COVID-19 sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 7,175.

Wala namang bagong Pinoy na namatay sa COVID-19 sa abroad kaya ang total fatalities ay nananatili sa 811.

Facebook Comments