Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 3,000

56

Pumalo na sa 3,000 ang bilang ng mga naka-recover na pasyente sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health Promotion and Communication Director IV Dr.  Beverly Lorraine Ho, dumagdag sa mga gumaling ang 68 recoveries.


Nakapagtala naman ang DOH ng 213 na panibagong kaso ng COVID-19 na sumampa na sa 13,434 kung saan 9,588 rito ay aktibong kaso.

Sa nasabing bagong mga kaso, 98 o 46 porsyento rito ay mula sa National Capital Region (NCR).

Naitala din ang 98 o 46 porsyento ng kaso sa Region 7 habang 17 o anim na porsyento ay mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Apat naman ang nadagdagan sa COVID-19 related deaths na umabot na sa 846.

Facebook Comments