Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, nadagdagan ng 34

18

Nadagdagan pa ng 34 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health Office, umakyat na sa 1,026 ang nakarekober sa lungsod.


Nadagdagan naman ng 29 ang nagpositibo sa virus.

Umabot na sa 2,294 ang COVID-19 positive sa lungsod mula sa 2,265 na naitala noong June 2, 2020.

Nasa 2,184 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 2,056 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa datos ng QC-Local Government Unit (LGU), nasa 844 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Habang apat ang naitalang binawian ng buhay na may kabuaan 186.




Facebook Comments