Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa 16,741

22

Umabot sa 83% o 16,741 ang gumaling mula sa COVID-19.

Base sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umakyat na sa 20,098 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Mula sa naturang bilang, 2,796 ang kumpirmadong active cases o ang maaaring makahawa.

Base naman sa nagpapatuloy na contact tracing activities, mayroong 18,704 na mga suspected cases ang tinututukan ng Local Government Unit.

Habang umakyat na sa 561 ang kabuuang bilang ng nasawi.

Facebook Comments