Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa mahigit 260

36

Umabot na sa mahigit 260 ang naka-recover mula sa mga dinapuan ng nakamamatay na COVID-19 virus sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 260,263 na ang gumaling sa Quezon City.

Habang nasa isang daan at labing dalawa o 112 na lamang ang kumpirmadong aktibo sa kaso o yung patuloy na nagpapagaling.


Samantala, nasa mahigit 262,097 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Habang dalawa ang naitalang binawian ng buhay mula sa mga tinamaan ng virus kung kaya’t umabot na sa 1,722 ang lahat ng nasawi sa COVID-19 sa QC.

Facebook Comments