Bilang ng mga gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19, halos isang milyon na

44

Halos isang milyon na ang mga gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, nadagdagan ng 6,091 ang bilang ng mga gumaling na umabot na sa 999,011.

Nasa 6,637 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,080,172 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.


Sumampa naman sa 17,991 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 191 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 63,170 na ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments