Bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 11,484

40

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 11,484 health workers ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, nasa 11,214 health workers na ang gumaling at 72 naman ng nasawi bunsod ng COVID-19.


Sa kasalukuyan, tinatayang 198 na lamang ang aktibong kaso sa mga health workers.

Nabatid na 80 sa mga ito ay mild cases, 85 ang asymptomatic, 22 ang nasa severe conditon at 11 ang nasa kritikal na sitwasyon.

Facebook Comments