Bilang ng mga healthcare worker na namatay dahil sa COVID-19, pumalo na sa 104

57

Umabot na sa 104 healthcare workers ang namatay dahil sa COVID-19.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), as of September 13 ay nasa 24,284 healthcare workers na ang nagpositibo sa virus.


Sa nasabing bilang, 23,814 ang nakarekober at 366 ang patuloy na nagpapagaling.

221 sa mga ito ay nakakaranas ng mild symptoms, 95 ang asymptomatic, 21 ang nasa severe na kundisyon, 20 ang nasa moderate condition at 9 ang kritikal.

Facebook Comments