Bilang ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 na nagparehistro sa Muntinlupa City, umabot na sa 9,509

47

Umabot na sa 9,509 ang bilang ng mga menor de edad na nagpatala para sa bakunahan laban sa COVID-19 sa Muntinlupa City isang linggo makaraang buksan ng MunCovac noong September 14 ang pre-registration para sa mga residente ng lungsod na edad mula 12 hanggang 17 anyos.

Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU), ang top 3 na barangay sa may pinakamaraming nagparehistro ay ang Barangay Putatan na umaabot ng 1,623, sinundan ng Tunasan 1,218 at Poblacion na 1,153.

Nauna nang nilinaw ng LGU na hindi pa babakunahan ang mga menor de edad.


Ito ay pre-registration pa lamang bilang paghahanda dahil wala pang guidelines ang gobyerno at go signal mula sa Department of Health (DOH).

Pinakiusapan ng Muntinlupa LGU ang mga kabataan na huwag munang pumunta sa mga vaccination sites.

Base sa datos ng Muntinlupa LGU, mahigit 324,000 na indibidwal o 84.2% na ng target population ang nababakunahan laban sa COVID-19 kung saan mahigit 233,000 dito ay fully vaccinated na.



Facebook Comments