Umabot na sa Tatlumpu’t tatlong katao ang naaresto sa Ilocos Region mula Enero 12 hanggang 24 dahil sa paglabag sa gun ban, ayon sa Ilocos Police Regional Office (PRO-1).
Sa Kapihan sa Philippine Information Agency Region 1, sinabi ni PLt. Col. Benigno Sumawang, ang deputy chief ng PRO-1 Regional Community Affairs Development Division, sampu (10) sa mga nahuli ay mula sa Pangasinan, dalawa mula sa La Union, at isa mula sa Ilocos Sur na karamihan ay nahuli sa mga inilatag na checkpoint.
Ang mga nahuling indibidwal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10728 sa gun ban na ipinapatupad ngayong election period hanggang sa darating na Ika labing Isa ng Hulyo.
Samantala, NASA 74 na baril na ang isinuko sa mga himpilan ng pulisya sa rehiyon para sa safekeeping sa ilalim ng Oplan Katok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments