Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa School Year 2020-2021, halos 24 milyon na

Umabot na sa mahigit 23.57 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa School Year 2020-2021.

Ayon sa Department of Education (DepEd), sa nasabing bilang, higit 21.77 milyon ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.

Habang nasa 1.75 milyon ang nagpa-enroll sa pribadong paaralan.


Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa mahigit 11.45 milyon.

Mahigit 7.43 milyon naman ang nag-enroll para sa Junior High School habang higit 2.61 milyon sang sa Senior High School.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.

Facebook Comments