Bilang ng mga nagamit na COVID-19 vaccines sa bansa, umabot na sa higit 4 milyon – NTF

21

Mahigit 4-milyon na ang naibigay na COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Sa datos ng National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) hanggang nitong May 25, kabuuang 4,495,375 doses na ng COVID-19 vaccine ang naibigay na sa bansa.


Nasa 3,466,313 indibidwal ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine habang 1,029,061 katao naman ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Nakasaad din sa datos na 145,243 ang 7-day average ng daily vaccinated individuals.

Facebook Comments