Bilang ng mga nagpositibong close contact ng Pinoy na nagkaroon ng UK variant ng COVID, umaabot na sa 14

288

Kinumpirma ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na umaabot na sa 14 na close contact ng Pinoy na unang nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 ang nagpositibo sa virus.

8 rito ay nakasabay nito sa Emirates flight mula Dubai nitong January 7, 2021.


Ang 6 ay iba pang close contact nito.

Ang 4 rito ay pasahero rin ng EK332 flight na nagnegatibo sa COVID-19 pagdating sa bansa pero matapos sumailalim sa re-swabbing ay nagpositibo na.

Ang isa naman ay ang nanay ng UK variant case at ang isa ay healthcare worker na nag-assist dito.

Isasailalim naman sa assessment ang nasabing Pinoy passenger tulad ng chest x-ray dahil una na itong na diagnose ng Pneumonia.




Ito ay bagama’t nagnegatibo na ito sa COVID-19.

Facebook Comments