Nakitaan ng pagbaba ang bilang ng mga nagtutungo sa Bonuan Tondaligan Beach bunsod ng tag-ulan gayundin ng pag-uumpisa ng pasukan.
Ayon sa mga lifeguards, papalo umano sa halos 80% ang naging pagbaba ng mga nagtutungo rito lalo na tuwing weekend.
Dahil dito, napapakamot sa ulo ang ilang mga negosyante dahil sila ay apektado rin.
Ang ilang cottage owners, nag bagsak presyo umano para lang may kitain.
Umaasa namn ang mga ito na muling sisigla o dadami ang bibisita sa nasabing beach sa mga holidays at weekend.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments