Bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa hanay ng PNP, mahigit 40,700 na!

Sumampa na sa 40,760 ang bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay PNP Health Service, as of October 9 ay 1,461 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Nadagdagan naman ng 293 ang mga gumaling para sa kabuuang 39,178 recoveries.


Habang nananatili sa 121 ang bilang ng nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments