Bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw, posibleng madagdagan ng halos 700 dahil sa “reduced physical distancing”

83

Nasa 688 kaso ng COVID-19 ang posibleng madagdag sa naitatalang bagong kaso ng sakit kada araw kung paluluwagin ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay base sa pagtaya ni dating COVID-19 Task Force Adviser Dr. Anthony Leachon.

Sa isang panayam, binigyang-diin ng medical expert ang kahalagahan ng one-meter distancing rule bilang pinaka-epektibong hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, naibababa ng isang metrong distansya ang viral transmission sa 82% habang 91% kung nagpapatupad ng two-meter physical distancing.

Kasabay nito, nagbabala rin si Leachon ng mas maraming pasahero at galaw ng mga tao sa nalalapit na holiday season.

Facebook Comments