Bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

27

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga residente sa lungsod ng Maynila na nakakarekober sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Manila Public Information, nakapagtala sila ng 274 new recoveries kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 56,816 na.


Nasa 257 na bagong kaso ng virus ang naitala kung saan ang kabuuang bilang nito ay nasa 2,168 na.

Dalawang indibdwal naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayo’y aabot na sa 1,129.

Ang Sampaloc District ang nangunguna sa may mataas na bilang ng kaso sa lungsod na nasa 487.

Sinundan ito ng Tondo District 1 (298); Tondo District 2 (255); Sta. Cruz (196) at Malate (188).



Facebook Comments