Bilang ng mga namatay at naka-rekober sa QC, nadagdagan pa

146

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay at naka-rekober dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices, nadagdag sa tala ang panibagong walong nakarekober na ang total na ay 35.


Habang walo rin ang nadagdag sa namatay dahil sa virus na ang total ay 58.

Patuloy naman ang ginagawang disinfection ng City Risk Reduction and Management Office and Fire Department sa mga kalsada sa lungsod kung saan 142 barangay na ang nalinis.

Samantala, pumalo na sa 607 ang mga Pinoy sa abroad na nag-positibo sa COVID-19.

Base sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) – nadagdag sa listahan ang 13 panibagong kaso ng mga Pilipinong nag-positibo sa virus.

Ang panibagong kaso ay naitala sa Europe, America at sa Asia Pacific Region.


Facebook Comments