Bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19, halos 11,000 na

13

Umakyat na sa 10,997 o 2.07% ang bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 55 na bagong binawian ng buhay.


1,590 naman ang bagong kaso habang ang bagong gumaling ay 249.

Sa ngayon, ang total COVID-19 cases na sa bansa ay 531,699 at ang aktibong kaso ay 32,775 o 6.2%.

487,927 o 91.8% naman ang kabuuang bilang ng recoveries.

Ang mild cases naman ay 88.9%, ang asymptomatic ay 5.9%, ang critical cases ay 2.4% habang ang severe cases ay 2.3% at ang moderate cases ay 0.53%.




Facebook Comments