Bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19, halos 5,000 na

32

Umaabot na sa 4,999 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 15 fatalities.


400 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 230,233.

3,475 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa bansa ay umaabot na sa 290,190.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 54,958.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 11 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.




Bunga nito, ang total cases ngayon ay 10,411 kung saan ang active cases dito ay 3,014.

19 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries na ay 6,619.

Habang isang Pinoy ang bagong binawian ng buhay sa abroad kaya ang total deaths ay pumalo na sa 778.

Facebook Comments