Bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19, mahigit 5,000 na

37

Umaabot na sa 5,049 ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos na madagdagan ng panibagong 50 fatalities.

Nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng bagong kaso na 1,635 kaya ang total cases ngayon ay 291,789.

Sa nasabing bilang, 56,097 ang active cases.

450 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 230,643.

Samantala, 3,009 na lamang ang COVID-19 active cases sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Ito ay matapos ang panibagong sampu na gumaling sa sakit kung saan ang total recoveries ngayon ay 6,629.




Anim naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases sa hanay ng mga Pinoy mula sa 78 na mga bansa ay 10,417.

Isa namang Pinoy ang panibagong binawian ng buhay sa abroad kaya ang total deaths ay 779.

Facebook Comments