Bilang ng mga namatay sa bus na nahulog sa bangin sa Nueva Ecija, umabot na sa 34…kaso laban sa operator ng bus inihahanda na

68

Manila, Philippines – Umabot na sa 34 ang bilang ng mganamatay sa Leomarick bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija.
 
Kinumpirma na rin na kasama sa nasawi ang driver ng busna si Rolando Mangawang at ang kunduktor na si Cesar Terang.
 
Humingi naman ng patawad ang may ari Leomarick bus ng nasi Leonardo Patulot sa pamilya ng mga biktima.
 
Nakahanda rin aniya siyang magbigay ng tulong sa mgapamilya ng mga ito.
  
Ayon kay Nueva Ecija Prov. Director, Sr/Supt. Antonio Yarra– tuloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa may-ari.
 
Patuloy aniya na babantayan ang mga bahagi ng Leomarick busdahil kasama ito sa gagawing imbestigasyon.
 
Nauna nang isinuspinde ang prangkisa ng Leomarick busmatapos ang insidente.

Facebook Comments