Bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Pasay City, nadagdagan pa!

50

Mula sa tatlo ay umaabot na ngayon sa apat ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Pasay City.

Mula naman sa 39, umakyat na ngayon sa 42 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.


Habang ang Person Under Monittoring (PUM) naman sa Pasay City mula sa 245, umabot na Ito ngayon sa 292.

Ang bilang ng mga Person Under Investigation (PUI) sa lungsod mula sa 44 ay umakyat narin ito sa 59.

Nananatili naman sa isa ang naka-recover sa COVID-19 sa Pasay City.

Facebook Comments