Umabot na sa halos 500 ang namatay sa sakit na dengue sa buong bansa sa unang pitong buwan ng taong 2019.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – mula January 1 hanggang July 6, 2019 nasa 491 na ang nasawi, mataas kumpara sa 225 noong 2018.
Ang kaso ng dengue sa bansa ay tumaas ng 22% o 5,744 mula June 30 hanggang July 6 ngayong taon kumpara sa 4,703 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa ngayon, aabot na sa 115,986 kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang July 6, 2019 o halos doble ng bilang na 62,267 sa parehong panahon noong 2018.
Dahil dito ay idineklara ng ahensya ang epidemya ng dengue sa 5 rehiyon.
Facebook Comments