Bilang ng mga namatay sa Grenfell tower tragedy sa London, posibleng umabot sa 58 katao

36

World – Pinangangambahang nasa 58 ang bilang ng mga namatay sa nasunog na Grenfell tower sa London.

Ayon kay London Metropolitan Police Commander Stuart Cundy, kabilang dito ang unang 30 kinumpirmang bilang ng patay sa naturang trahedya at posibleng matagalan pa ang paghahanap ng iba pang bangkay.

Umapela rin ang london police sa mga nakaligtas na ipaalam sa mga awtoridad ang kanilang kalagayan para hindi maisama sa listahan ng mga nawawala.

Samantala, nangako naman si United Kingdom (UK) prime Minister Theresa May na tutulungan ang mga biktima ng naturang trahedya.

Sa ngayon ay nakalaan na ang £5 million (British pound) o $6.4 million para sa mga naapektuhan ng insidente.

Facebook Comments