Bilang ng mga napapatay sa ilalim ng Project Double Barrel Reloaded ng PNP, umabot na sa 54

Manila, Philippines – Umakyat na sa 54 ang bilang ng mga napapatay sa Project Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police (PNP).

 

Walo napadagdag mula sa 46 na naitalang patay ng PNP sa loob ng 24-oras.

 

Karamihan sa mga napatay ay muila sa Region 3 na nakapagtala ng 24 habang pinakamababang bilang naman ang naitala sa Regions 1, 9 at 12 na mayroon lamang tig-iisang napatay sa operasyon.

 

Nasa higit 160,000 ang kabuuang bilang ng mga bahay na kanilang natotokhang.

 

Kasabay nito, nasa dalawampung libo na ang sumuko sa mga otoridad habang higit tatlong libo naman ang mga naaresto na drug suspect sa isinagawang higit dalawang libong operasyon.


Facebook Comments