Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Rolly sa Bicol Region, nasa 19 – OCD-5

98

Nananatili sa 19 ang bilang ng mga nasawi sa Bicol Region matapos ang hagupit ng Bagyong Rolly.

Matatandaang sa ulat kahapon, nasa 20 ang death toll sa rehiyon.


Pero sa bagong datos ng Office of Civil Defense Region 5, ang apat na unang naiulat na namatay sa Vira, Catanduanes ay lumalabas na tatlo lamang.

Tinanggal ang naiulat na namatay sa Polangui, Albay dahil walang opisyal na ulat na natanggap ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa kabuoan, 13 biktima ay mula sa Albay, lima sa Catanduanes at isa sa Camaligan, Camarines Sur.

Aabot naman sa 69 ang sugatan sa rehiyon.




Nasa 102,682 na pamilya o 359,690 individuals ang na-displaced ng bagyo kung saan 75,004 families ang nasa evacuation centers.

Facebook Comments