Bilang ng mga nasawi dahil sa h7n9 bird flu virus sa China, umabot na sa 61

18

Manila, Philippines – Umabot na sa 61 ang namatay dahil sa kaso ng H7N9 bird flu virus sa China.

 

Ayon sa Chinese government – tinatayang nasa 160 ang naitalang timanaan ng nasabing sakit nitong nagdaang buwan ng Pebrero.

 

Mataas ito kumpara sa naturang datos sa mga nakaraang taon.

 

Bagamat mababa sa buwan ng Enero ay ito ang pinakamataas na kaso ng bird flu na naitala sa mga nakalipas na buwan ng mga Pebrero simula ng unang matukoy ang sakit noong 2013.

Facebook Comments