Bilang ng mga nasawi dahil sa pagguho ng gusali sa Florida, umakyat na sa 18

Umakyat na sa 18 ang bilang ng nasawi sa pagguho ng gusali sa Florida.

Anim na labi ang natagpuan nitong Miyerkoles halos isang linggo matapos gumuho ang gusali.

Ngunit ayon sa otoridad, aabot pa rin sa 147 na katao ang pinaghahanap.


Samantala, personal namang binisita ni US President Joe Biden ang lugar na pinangyarihan ng trahedya nitong Huwebes.

Facebook Comments