Bilang ng mga nasawi sa bagong strain ng coronavirus, umabot na sa 17

69

Umabot na sa 17 ang nasawi sa bagong uri ng coronavirus na nagmula sa Wuhan, China.

Ang huling fatality ay naitala sa Hubei Province.


Nasa higit 470 cases na ang naitala sa China.

Ayon kay National Health Commission Vice-Minister Li Bin – ang pagtaas ng mobility ng publiko ay siyang nagpataas ng bantang pagkalat ng epidemiya.

Piinayuhan niya ang publiko na manatiling kalmado.

Ang naturang virus ay kumalat na mula Wuhan patungo sa mga population centers gaya ng Beijing, Shanghai, Macau at Hong Kong.

Mayroon na ring kaso sa Estados Unidos, Taiwan, South Korea at Japan.

Facebook Comments