Bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19, dumoble sa loob lamang ng isang buwan!

Dumoble pa ang mga naitalang nasawi sa buong mundo sa loob ng isang buwan dahil sa COVID-19 na ngayon ay nasa 332,924 na.

Ayon sa COVID-19 tracker ng John Hopkins University and Medicine, nangunguna pa rin ang United States sa pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sinundan ng Russia, Brazil, United Kingdom, Spain, Italy, France, Germany, Turkey at Iran.

Umabot naman sa higit 5.1 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 1.9 million ang nakarekober.


Facebook Comments