
Umabot na sa siyam ang pumanaw dahil sa leptospirosis sa Quezon City mula Jan. 1, 2025 hanggang nitong June 9, 2025
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, ang bilang ay 80% na mas mataas kumpara sa limang namatay sa kaparehong panahon noong 2024.
Paalala ng lokal na pamahalaan, iwasang lumusong sa baha lalo na kapag may sugat sa paa o binti.
Magsuot ng bota at proteksyon sa paa.
Magtungo sa pinakamalapit na health center o ospital upang mabigyan ng post-exposure prophylaxis bilang proteksyon sa leptospirosis.
Panatilihing malinis din ang paligid upang hindi pamugaran ng daga.
Itapon nang maayos ang basura at iwasang mag-ipon ng tubig-ulan.
Kumunsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, o paninilaw ng mata at balat.