Bilang ng mga nasawi sa hinihinalang chemical attack sa Syria – pumalo na sa 72

90

Manila, Philippines – Umakyat na sa 72 ang bilang ng mga nasawi sa malagim na chemical attack sa bansang Syria.

Base sa tala ng Syrian observatory for human rights, 20 sa mga nasawi ay mga bata habang 17 ang kababaihan.

Una nang itinanggi ng Syrian military na sila ang gumamit ng naturang chemical weapons.

Kaugnay nito, naglabas na ng draft resolution sa UN Security Council ang Britain, France at United States para kondenahin ang pag-atake at magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments