
Naitala na sa 72 ang kumpirmadong nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pumalo rin sa 559 sugatan, ngunit nilinaw ng ahensya na patuloy pa ring bineberipika ang bilang. Wala namang naiulat na nawawala.
Mahigit kalahating milyong residente ang apektado ng lindol, kung saan pinakamatinding tinamaan ang Lungsod ng Bogo na may 29,696 pamilya o katumbas ng 90,187 katao.
Sa kabuuan, 35,925 kabahayan ang nasira sa probinsya. Pinakamaraming naitala sa bayan ng San Remigio na umabot sa 12,644 bahay ang napinsala.
Facebook Comments









