Bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog sa Manchester, umabot na sa 22

84

England – Bagamat hindi pa pormal na inaako, nagdiwang sa pamamagitan ng social media ang mga supporter ng terorsitang grupo ng ISIS makaraan ang nagyaring pagsabog sa Manchester Concert Venue sa England.

Sa pinakahuling update ay pumalo na sa 22 na katao ang namatay na kinabibilangan ng ilang mga bata.


Batay sa mga British police – isang uri ng terrorist attack ang nangyaring pagsabog sa Manchester Arena sa pagtatapos ng concert ng US pop singer na si Ariana Grande na ikinasugat ng mahigit sa 50 iba pa.

May mga ilang nagsasabi sa social media website na twitter na ang ISIS ang responsable sa naturang pagpapasabog.
DZXL558

Facebook Comments