Bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa Bicol, umakyat na sa 5

Umabot na sa lima ang nasawi sa pagbahang dulot ng Tail-end of a Frontal System sa Bicol region.

Ayon sa Office of Civil Defense, tatlo sa mga nasawi ay mula sa Camarines Sur habang tatlo ay mula sa Sorsogon.

Kabilang sa mga namatay ay isang 48-anyos na lalaki mula sa Garchitorena at 28-anyos mula sa Pilar.


Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa isang 58-anyos na lalaki mula sa Barangay Baay na nawawala sa gitna ng mga pagbaha.

Aabot naman sa 189 na tao o 47 pamilya ang lumikas dahil sa sama ng panahon.

Facebook Comments