Bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa India, umakyat na sa 159

55

Umakyat na sa 159 ang bilang ng mga nasawi matapos ang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa India.

Ayon sa mga otoridad, 149 na katao ay mula sa Maharashtra state kung saan higit 40 dito ay nasawi dahil sa landslide.


Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang ilan pang indibidwal.

Batay sa India Meteorological Department, nag-umpisa ang malakas na buhos ng ulan simula noong Huwebes dahil sa monsoon rains habang inaasahan din na magtutuloy-tuloy pa ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments