Bilang ng mga online business na nagparehistro sa DTI, tumaas

Tumaas ang bilang ng mga online business na nagparehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon sa DTI, batay sa datos kabuuang 712,657 na ang bilang ng mga nagparehistro para sa online business.

Paliwanag naman ni DTI Sec. Ramon Lopez, malaking tulong na tumatagal na lang ng walong minuto ang rehistrasyon na bahagi rin ng kampanya ng pamahalaan para tanggalin ang red tape.


Facebook Comments