Bilang ng mga overseas Filipinos na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 2,869

77

Umakyat na sa 2,869 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong-dagat.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 24 na bagong kaso.


Sa kabila nito, aabot na sa 975 na overseas Filipinos ang naka-rekober sa sakit habang nasa 1,554 ang sumasailalim pa sa treatment.

Nanatili pa rin sa 340 ang bilang ng mga nasawi.

Nangunguna na ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 909 cases, kasunod ang Europe na may 817 cases habang ang Amerika na nasa 655 cases, at Asia Pacific Region na may 488 cases.

Facebook Comments