
Aminado ang Philippine Ports Authority (PPA) na bumaba ng halos 50 percent ang bilang ng mga pasahero sa mga panatalan ngayong Undas 2026 kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, naitala nila ang nasa 7,000 hanggang 8,000 na pasahero noong Oct. 31 sa Batangas Port kumpara sa karaniwang 17,000 hanggang 21,000 tuwing peak seadon.
Anoya, halos kalahati rin ang ibinaba ng bilang ng mga pasahero sa Lucena Port.
Paliwanag ni Santiago, isa sa nakikita nilang dahilan ay ang pagtaas ng pamasahe sa mga barko na umaanot sa 10 hanggang 15 percent.
Kaya’y dahil dito, nananawagan ang PPA sa mga shipping lines ma magbaba ng pamasahe upang mahikayat ang mas maraming indibidwal na bumiyahe sa mga barko.
Isa rin sa nakikita nilang dahilan ay ang posibilidad na karamihan ay ipinagpaliban amg pagbiyahe dahil sa maikling undas break.
Kaugnay nito,todo paghahanda ang ginagawa ng PPA sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero sa mga susunod na linggo bunsod ng long break kasabay ng isasagawang ASEAN Summit sa bansa.










