Bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 11,244

44

Pumalo na sa 11,244 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 5 na bagong kaso.


Sa kabila nito, aabot na sa 7,279 na Overseas Filipinos ang naka-rekober sa sakit habang nasa 3,148 ang sumasailalim pa sa treatment.

Nanatili pa rin sa 817 ang bilang ng mga nasawi.

Nangunguna ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 7,380 cases, kasunod ang Asia Pacific Region na may 1,810 cases habang ang Europe na nasa 1,238 cases, at Amerika na may 816 cases.

Facebook Comments