Bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, umakyat na sa 10,867

44

Pumalo na sa 10,867 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng tatlong bagong kaso.

Sa kabila nito, aabot na sa 6,919 na overseas Filipinos ang nakarekober sa sakit habang nasa 3,147 ang sumasailalim pa sa treatment.

Nadagdagan naman ng isa ang mga namatay sa sakit na umakyat na sa 801.

Nangunguna ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 7,137 cases, kasunod ang Asia Pacific Region na may 1,711 cases habang ang Europe na nasa 1,209 cases, at Amerika na may 810 cases.

Facebook Comments