Bilang ng mga Pilipinong nais magpabakuna, tumaas – Galvez

78

Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na bumaba pa ang vaccine hesitancy ng mga Pilipino sa mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos na lumabas na 87 percent ng mga indibidwal na tinanong sa survey ng ilan nilang partner agencies ang nagsabing handa silang magpabakuna.

Sinabi ni Galvez na epektibo ang kanilang ginagawang restrictions sa mga unvaccinated individuals upang mahikayat ang mga ito na magpaturok ng COVID-19 vaccine.


Sa ngayon, umabot na sa higit 57.2 million na Pilipino ang fully vaccinated kontra COVID-19 kabilang na ang 8.7 million na mga kabataan edad 12 hanggang 17.

Facebook Comments