Bilang ng mga Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19, umaabot na sa 800

33

Umaabot na sa 800 ang mga Pilipino sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos na isa pang Pinoy ang namatay sa ibayong dagat dahil sa nasabing virus.

6 naman ang naitalang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 10,849.

Ang active cases naman ay 3,144 habang 2 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 6,905.

Umakyat na rin sa 80 mga bansa ang may Pilipinong na-infect ng COVID-19.

Facebook Comments