Bilang ng mga Pinoy na sakay ng Diamond Princess na positibo sa COVID-19, 35 na

75

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 35 na mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ang positibo sa COVID-19.

Ito ay matapos na magpositibo na rin ang walong iba pang mga Pinoy na crew ng barko.


Ang naturang mga Pinoy ay dinala na sa mga pagamutan sa Japan.

Regular naman ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa mga Pilipinong naka-confine para matiyak na natutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, ngayong araw na ito ay nakatakdang maglabas ang Japanese government ng disembarkation procedures sa pagtatapos quarantine period sa mga pasaherong sakay ng cruise ship.

Facebook Comments