Bilang ng mga Pinoy na sakay ng naka-quarantine na barko sa Japan na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 27

164

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na as of February 16,2020, umaabot na sa 27 ang mga Pilipinong sakay ng cruise ship Diamond Princess na naka-quarantine sa Japan ang positibo   COVID-19 is at 27.

Ito ay matapos na mag-positibo sa virus ang panibagong labing-anim na mga Pinoy.


Nag-anunsyo rin ang Japanese Health Ministry na muling isasailalim sa pagsusuri ang mga crew at pasahero ng barko sa pagtatapos ng quarantine period.

Patuloy namang tinututukan ng Philippine Embassy sa Japan ang pangangailangan ng mga Pinoy na sakay ng barko gayundin ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas sa sandaling matapos na ang quarantine period.

Facebook Comments