Bilang ng mga pulis na infected ng COVID-19, umabot na 899

37

Dumadami pa ang mga pulis na nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, 38 na mga pulis ang nadagdag sa mga nagpositive sa virus dahilan para umabot na ang bilang nito ngayon sa 899.


Ang 38 na pulis na panibagong napasama sa mga positibo sa virus ay 26 na mula sa National Capital Region Police Office at 12 ay nakatalaga sa Police Regional Office o sa PNP Central Visayas.

Sa bilang ng mga positive, 409 ang gumaling na sa sakit.

Aabot naman sa 1,897 ang bilang ng mga pulis na inoobserbahan dahil pa rin sa sintomas ng COVID-19, 1,151 dito ay suspected cases habang 746 naman ang probable cases.

Facebook Comments