Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa

49

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

As of 6:00pm ng October 02, 2020, nadagdagan pa ng 47 tauhan ng Philippine National Police ang nagpositibo sa COVID-19, dahilan upang umabot na ngayon sa 6,068 ang kabuuang kaso.

Naitala rin ang 98 pang nakarekober na kasalukyang 4,938 na habang nananatili sa 17 ang nasawi.

Mayroong 1,113 aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

Facebook Comments